Saan po ba pwedeng makuha ang MDR?
- Ang MDR ay maaaring makuha sa pinaka malapit na Philhealth Office.
Ano ba ang Members Data Record (MDR)?
- Members Data Records (MDR) ito ay ang dokumento na naglalahad ng lahat ng impormasyon patungkol sa miyembro.
- Dito nakalagay ang buong pangalan ng miyembro, tirahan, istado at kapanganakan nito.
- Nakalagay din dito ang pangalan at lugar na pinapasukan ng miyembro.
- At ang mga ibang taong maaaring makagamit ng benepisyo ng Philhealth tulad ng;
1. anak na may idad na 21 pababa
2. asawa at
3. magulang na may idad na 60 pataas.
- Nakalagay din dito ang eksaktong petsa kung hanggang kailan lamang magagamit ang Philhealth.
Kung mayroon pang katanungan maaari kayong humingi ng tulong sa pinakamalapit na Philhealth Opis, maari din po kayong bumisita sa pro3_hcdmdo1@yahoo.com.
No comments:
Post a Comment