Mga Dapat gawin sa pag iwas sa sakit na DENGUE:
- Takpan ng maayos ang mga drum, timba at iba pang ipunan ng tubig upang hindi pangitlugan ng lamok.
- Palitan ang tubig sa plorera minsan sa isang linggo.
- Linisin at kuskusin ang mga gilid ng lalagyan ng tubig minsan sa isang linngo. Ang mga itlog ng lamok ay kumakapit sa mga gilid nito.
- Linisin ang mga alulod ng bahay upang hindi maipunan ng tubig at pamahayan ng lamok.
- Ang mga lumang gulong na ginagamit na pabigat sa bubungan ay kailangang butasan upang hindi maipunan ng tubig.
- Itapon ang mga lata, bote at iba pang nakakalat sa paligid na maaring pangitlugan ng lamok kapag naipunan ng tubig.
No comments:
Post a Comment